2 sekyu ng iskul, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | July 9, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang guwardiya ng isang paaralan ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 3, Silay City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Valenzuela, 43, at Romel Nerio, 30, kapwa security guard sa isang hindi pinangalanang paaralan sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 13 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ngayon sina Valenzuela at Nerio sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments