Search
  • BULGAR

2 SAP beneficiaries huli sa drug sting

ni Twincle Esquierdo - @News | July 7, 2020




Arestado ang tatlong drug suspeks kasama ang dalawang beneficiaries ng SAP sa Lucena City.


Ayon sa report ni Lieutenant Colonel Romulo Albacea, Lucena city police chief inaresto sina Kris Herbert Decena, 37-anyos at Ricardo De Luna, 50-anyos, dahil sa pagbebentra diumano ng ipinagbabawal na gamot sa isang undercover na pulis sa Barangay Domoit bandang 7:10 ng gabi.


Nakuha sa dalawa ang 10 sachets ng shabu at ayon sa pulisya si Decena ay lihitimong gumagamit ng droga.


Ang dalawa ay napag-alaman na kabilang sa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP na inilunsad upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.


Ang isa pang nahuli ay si Ansary Dimapundag, 40-anyos sa isang drug sting sa Baranggay 10 bandang 5:30 ng hapon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.