top of page
Search
  • BULGAR

2 salesman, hinoldap ng riding-in-tandem

News @Balitang Probinsiya | April 15, 2024



Iloilo — Dalawang salesman ang hinoldap ng riding-in-tandem kamakalawa sa Brgy. Gaub, Cabatuan sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang dalawang biktima na sina Daryl Lamitan at Jojo Buenafe, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa Iloilo City sa nasabing lalawigan. 


Ayon sa mga biktima, habang lulan sila ng isang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki na sakay din ng isang motorsiklo at nagpahayag ng holdap.


Matapos tangayin ang mga bag na may lamang cash ng dalawang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang dalawang holdaper.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page