2 sabungero, arestado sa tupada
@Balitang Probinsiya | November 2, 2021
CAPIZ—Dalawang sabungero ang naaresto sa isinagawang pagsalakay ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa Bgy. Dulangan, Pilar.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Danilo Dalida, 53-anyos at Enrique Denosta, 49-anyos, kapwa nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan na nagtu-tupada sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek, pero nakatakas ang mga kasamahan nilang sabungero.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng tupada.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments