top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2 riders, todas sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 02, 2021


NORTH COTABATO—Dalawang riders ang namatay nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Labuo, President Roxas.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Hermigildo Buenaflor at Nilo Sangco, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho nina Buenaflor at Sangco kaya aksidenteng nagkabanggan sa naturang barangay ang dalawang sasakyan.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima dahil sa naganap na aksidente.


Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page