top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2 riders, sugatan sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 22, 2021


CAPIZ—Dalawa riders ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Calitan, Panay.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jason Amacan, 24-anyos at Donafe Bolbillo, 29-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklo minamaneho nina Amacan at Bolbillo kaya aksidenteng nagkabanggan sa naturang barangay ang dalawang sasakyan.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na kapwa ginagamot na ngayon sa ospital.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino kina Amacan at Bolbillo ang may pananagutan sa aksidente.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page