top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 rider, sugatan sa karambola

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 27, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Dalawang rider ang sugatan sa naganap na karambola o banggaan ng sampung sasakyan kamakalawa sa Bgy. Singcang-Airport, Bacolod City sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng dalawang rider na nasugatan sa aksidente.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng isang van kaya aksidente nitong nabangga ang dalawang kotse at pitong motorsiklo, na ang dalawa dito ay kinalululanan ng dalawang biktima sa nasabing lugar.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan na silang ginagamot.


Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong double physical injury at 9-counts ng damage to property laban sa hndi pinangalang driver ng van.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page