2 rider, nagkabanggaan sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | January 09, 2022
AKLAN–Dalawang rider ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan sa police checpoint kamakalawa sa Bgy. Union, Nabas.
Kinilala ang mga sugatan na sina Eric Bantang at Lorenzo Portuza, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ni Bantang na may police checkpoint sa kanyang daraanan at sa kagustuhang makaiwas ay bigla nitong iniliko ang minamanehong motorsiklo at natiyempuhan namang paparating si Portuza na lulan din ng motorsiklo, kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.
Kaagad dinala ng mga awtoridad sina Bantang at Portuza sa ospital dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan.
Inaalam na ng mga awtoridad ang dahilan ni Bantang sa pag-iwas sa checkpoint at nakatakda na rin siyang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments