2 rider, dedbol sa aksidente
@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2024
BATANGAS -- Dalawang rider ang namatay nang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Santa Anastacia, Sto. Tomas sa lalawigang ito.
Ang mga nasawi ay kinilala ng pulisya na sina Jonel Gardona at Esmeraldo Nadong, at kapwa nasa hustong gulang.
Nabatid na kapwa mabilis ang takbo ng kanilang motorsiklo kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Sa lakas ng impact ng dalawang motorsiklo ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga rider.
Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.



Comments