top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 patay sa mini truck na nahulog sa irigasyon

BULGAR
Dec 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 18, 2022


KALINGA—Dalawang lalaki ang namatay at apat katao pa ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa irigasyon ang sinasakyan nilang mini truck kamakalawa sa Bgy. Calanan, Tabuk City.


Ang mga nasawi ay sina Jayson Kinto at Edwin Capuyan, samantalang ang mga sugatan naman ay sina Cesar Camtugan, driver ng trak; Marloin Kising, Jaymar Badillo at Daniel Cudal, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Camtugan, kaya nahulog ang kinalululanan nilang mini truck sa irigasyon.


Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival sina Kinto at Capuyan.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page