top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 patay, 1 sugatan sa van

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 26, 2023



NEGROS OCCIDENTAL—Dalawa katao ang namatay at isa ang sugatan nang mabangga ng van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Quezon, San Carlos City sa lalawigang ito.


Kinilala ang mga nasawi na sina Ariel Guarin, nasa hustong gulang, at isang batang lalaki na 12-anyos, samantalang ang sugatan ay ang isang 15-anyos, pawang residente sa nasabing lalawigan.


Hindi na rin pinangalanan ang driver ng van matapos na mangakong sasagutin ang gastos at danyos sa mga biktima.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van kaya nabangga ang motorsiklong minamaneho ni Guarin, na kinalululanan din ng mga bata.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Guarin at ang isang bata na kapwa nagtamo ng malaking pinsala sa ulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page