2 pasahero, tepok sa kanal
@Balitang Probinsiya | Oct 28, 2021
NEGROS OCCIDENTAL—Dalawang pasahero ang namatay nang aksidenteng mahulog sa malalim na kanal ang pampasaherong bus kamakalawa sa bayan ng San Carlos.
Kinilala ang mga biktima na sina John Jucher Segurado, 26-anyos at 12-anyos na batang babae, kapwa nakatira sa Bgy. Rizal sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Juditho Locsin, nasa hustong gulang, sa pagmamaneho ng bus kaya nahulog ito sa malalim na kanal.
Napag-alamang nasa gawing pinto ng bus sina Segurado at ang batang babae kaya kapwa sila nahulog sa bus at parehong nabagok ang kanilang mga ulo sa mga bato na nasa gilid ng kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival, samantalang sinampahan na si Locsin ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide.



Comments