Search
  • BULGAR

2 pasahero sugatan sa pick-up

@Balitang Probinsiya | January 30, 2021



AKLAN—Dalawang pasahero ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng pick-up ang kinalululanan nilang tricycle kamakalawa sa Brgy.Bagto, Lezo sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang dalawang biktima na sina Kien Igup, 22-anyos at Myrna Igual, 49-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan,


Ayon sa ulat, nakalulan umano sina Igup at Igual sa tricycle nang aksidenteng mabangga ito ng pick-up na minamaneho ni Roque Bulao, residente ng Panay, Capiz.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang dalawang biktima, samantalang hindi naman nadisgrasya ang hindi na pinangalanang driver ng tricycle.


Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property si Bulao.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.