2 parak, 8 pa sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | November 22, 2023
BUTUAN CITY -- Sampu katao, kabilang ang dalawang pulis ang sugatan nang magkabanggaan ang isang police truck at isang van kamakalawa sa Brgy. Ampayon sa lungsod na ito.
Ang mga biktima ay nakilalang sina P/Sgt. Saulo Loreto, P/Sgt. Paul Abad, at mga sibilyan na sina Reginald Kiem, Charito Managuelod, Catherine Managuelod, Cherry Lou Crisologo, Criselda Abartosa, Demetrio Abartosa, Elmer Gadon at Cristine Balane, pawang nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng police truck na kinalululanan ng dalawang pulis, at ni Kiem sa van na kinalululanan ng pito pang biktima kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nagkaroon ng sugat sa paa, braso at katawan ang mga biktima at sa ngayon ay ginagamot na sila sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para mabatid kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.



Comments