top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 NPA sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 22, 2023


PAMPANGA — Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang magkasunod na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Camp Olivas, San Fernando City sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA na nag-o-operate sa Central Luzon.


Nabatid na isinuko rin ng mga NPA ang mga kanilang armas, bala at subersibong dokumento.


Sinabi ng mga sumukong komunista na nais na umano nilang magbagong-buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page