2 NPA, patay sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | August 1, 2023
ILOILO -- Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Ayabang, Leon sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang dalawang komunistang napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng gobyerno nang pagbabarilin sila ng mga NPA na naging dahilan kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad at dito napatay ang dalawang komunista.
Nang makitang napatay ng tropa ng pamahalaan ang kasamahan nilang dalawang komunista, mabilis na tumakas ang iba pang NPA.
Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang mga tumakas na rebelde.



Comments