top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

2 NPA nasakote

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 13, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Santol, Binalbagan sa lalawigang ito.


Nakilala ang mga suspek na sina Junjie Camanso at Judy Blazer, kapwa nasa hustong gulang at mga miyembro ng NPA na nakabase sa lalawigan.


Nabatid na dinakip ng mga operatiba ang dalawang NPA sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong murder.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan nina Camanso at Blazer kaya agad itong pinuntahan ng mga awtoridad at dinakip ang mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang dalawang NPA nang arestuhin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page