2 NPA arestado
@Balitang Probinsiya | March 17, 2023
AGUSAN DEL NORTE—Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Kauswagan, Cabadbaran City sa lalawigang ito.
Ang mga naaresto ay nakilalang sina Regie Ligan, alyas "Ka Khod" at Gabriel Sagay, alyas "Ka Onemig," kapwa kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may gumagalang dalawang armadong lalaki sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan na naging dahilan kaya nadakip ang dalawang NPA.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baril, bala at subersibong dokumento sa pag-iingat nina Ligan at Sagay.
Patuloy pa ang isinasagawang taktikal na interogasyon ng mga awtoridad sa dalawang NPA.



Comments