2 notoryus na tulak, todas sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 20, 2024
LEYTE -- Dalawang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Brgy. Salvacion, Tacloban City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na sina Roy Pagasartonga at Shanel Camacite, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na dadakpin sana ng mga otoridad sina Pagasartonga at Camacite sa drug-bust operation, pero pinagbabaril ng mga suspek ang mga operatiba.
Dahil dito ay agad gumanti ng putok ang pulisya, kaya napatay ang dalawang suspek.
Nakarekober ng mga otoridad ang dalawang baril, mga bala at illegal drugs sa pinangyarihan ng insidente.



Comments