2 notoryus na tulak, timbog
- BULGAR
- Aug 30, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 30, 2023
QUEZON -- Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Silangang Mayao, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Christian Enverga at Antonio San Vicente, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1.9 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments