top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 notoryus na tulak, tiklo sa sementeryo

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 8, 2023


LAGUNA—Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa sementeryo ng Bgy. Kapatalan, Siniloan sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala na sina Apollo Agpangan at Raymond Catalan, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, dinakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa public cemetery sa nasabing barangay.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50.4 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page