top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 notoryus na tulak, tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 13, 2023



PALAWAN -- Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Ang mga nadakip na suspek ay kinilala ng pulisya na sina Ramon Dimanalata at Angel Lagrada, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.


Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1.69 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad na sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page