2 notoryus na tulak tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | July 23, 2023
QUEZON—Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Isabang, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang mga nadakip na suspek ay kinilala na sina Relly Pericas at Aldrin Lagar, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 18. 5 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at kapwa sila nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments