2 notoryus na tulak, tiklo
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 22, 2023
ILOILO -- Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Boulevard, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Noel Arcenal at Naldo Lauron, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay matapos na pagbentahan ng droga ang mga operatiba na nagpanggap na buyer.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 185 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kusang sumama naman sa pulisya ang mga suspek nang dakpin sila sa naturang lugar.



Comments