2 notoryus na tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | July 15, 2023
SOUTH COTABATO -- Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cannery Site, Polomolok sa lalawigang ito.
Ang mga nadakip na suspek ay nakilalang sina John Dave Gansayan at Vergel Lintang, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments