top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 notoryus na tulak, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2023


ALBAY – Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Salvacion, Tabaco City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang dalawang suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng walong gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng dalawang drug pusher.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page