top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 notoryus na tulak, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 30, 2023


CAGAYAN — Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Pinas, Claveria sa lalawigang ito.


Kinilala ang dalawang suspek na sina Ruel Ilovino, 43, at Rema Altre, 50, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat nina Ilovino at Altre.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page