Search
  • BULGAR

2 notoryus na tulak, tepok sa shootout

@Balitang Probinsiya | March 8, 2021



PANGASINAN—Dalawang notoryus na drug pushers ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Oraan East, Manaoag.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na sina Renziel Sebilius, 32-anyos at Gervin Salvino, 30-anyos, kapwa residente ng nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga operatiba sa drug-bust operation sina Sebilius at Salvino, pero imbes na sumuko at biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.


Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay ang mga suspek.


Nakarekober ang pulisya ng dalawang baril, mga bala at pakete ng marijuana sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.