2 notoryus na tulak ng shabu, tiklo
@Balitang Probinsiya | December 01, 2021
NORTH COTABATO—Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Matalam.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Julius Balbuena, 27-anyos, nakatira sa Sultan Kudarat at Mario Rizalda, 47-anyos, residente ng South Cotabato.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng droga ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng shabu ng mga suspek ay dito na dinakip ang dalawang drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba at sa ngayon ay nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments