top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 notoryus na tulak, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 3, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang notoryus drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Robles, La Castellana sa lalawigang ito.


Ang mga nadakip na suspek ay kinilala ng pulisya na sina Elmer Gale at Jestoni Fajardo, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang arestuhin ng mga awtoridad habang nakapiit na ang mga ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page