top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

2 notoryus na pusher, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 04, 2023


ILOILO -- Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ungka 1, Pavia sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Christian Erudistan at Ian Lachica, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 30 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera pag-iingat ng dalawang drug pusher.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page