2 notoryus na pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | Pebrero 20, 2023
CAVITE—Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Francisco, General Trias sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Ryan Lowawan, 27, at Cederic Torres, 30, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng dalawang drug pusher.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments