top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 notoryus na pusher, huli sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 26, 2023


ILOILO -- Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bula, Mambusao sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marvin Alejaga at Athaniel Delfin, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na bayan


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng dalawang drug pusher.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad at sa ngayon ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page