2 notoryus na pusher, arestado
- BULGAR
- Sep 5, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 5, 2023
QUEZON -- Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cotta, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang mga nadakip na suspek ay nakilalang sina Mark Campopanes at Arnel Ibanez, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa naturang barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 31.61 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments