Search
  • BULGAR

2 notoryus na karnaper, arestado

@Balitang Probinsiya | February 19, 2021



CAPIZ—Dalawang notoryus na karnaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Intongcan, Pontevedra.


Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Betir, 37-anyos at Ernie de Mayo, 23-anyos, kapwa residente ng Bgy. Balatucan sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Marlou Denosta, 28-anyos at ini-report na tinangay ng dalawang suspek ang kanyang motorsiklo.


Kaagad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad kaya nadakip ang dalawang suspek at narekober ang motorsiklo.


Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong carnapping.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.