2 notoryus na karnaper, arestado

@Balitang Probinsiya | October 29, 2020
PAMPANGA—Dalawang notoryus na karnaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Malabanias, Angeles City.
Kinilala ang mga suspek na sina Joel Mateo at Felix Navarro, kapwa nakatira sa Malolos City, Bulacan.
Ayon sa ulat, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Crizel Gamboa at ini-report na tinangay ng dalawang suspek ang kanyang motorsiklo.
Kaagad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad kaya nadakip ang dalawang suspek at narekober ang motorsiklo.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong carnapping.



Comments