Search
  • BULGAR

2 nanlabang pugante, tepok sa shootout

@Balitang Probinsiya | October 20, 2020



BASILAN—Dalawang pugante na may mga kasong murder ang napatay nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa kanila kamakalawa sa Bgy. Cabunbata, Isabela City.

Ang mga suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinikilala ng mga awtoridad na sina Nurhassan Lahaman at Battuh Murag, kapwa takas na bilanggo sa Basilan Provincial Jail.


Nagpapatrulya umano ang tropa ng pamahalaan nang makita nila sina Lahaman at Murag at nang tangkang aarestuhin ay biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.


Kaagad namang nakaganti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang dalawang suspek.


Nakarekober ang mga awtoridad ng mga baril at bala sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.