2 nadale sa ambush
@Balitang Probinsiya | August 2, 2023
ILOILO -- Isang tricycle driver ang namatay at sugatan ang pasahero nito sa nangyaring pananambang at pamamaril ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Bonifacio, Arevalo District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang nasawi ay si Arnold Elipio, 40, samantalang ang sugatan na ginagamot na sa ospital ay si Geraldine Diokson, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Elipio ang kanyang tricycle at lulan si Diokson ay biglang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad silang pinagbabaril.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ngayon na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pananambang sa mga biktima.



Comments