top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 motorsiklo nagsalpukan, 1 todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 28, 2021


CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay at dalawa pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Irayang Solong, Minalabac.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Crispin Aquino, 37-anyos, samantalang ang mga sugatan ay si Aljon Adon at Manilyn Perez, kapwa nasa hustong gulang at pawang residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Aquino at motorsiklong minamaneho ni Adan habang kaangkas si Perez kaya aksidenteng nagkabanggan sa naturang barangay ang dalawang sasakyan.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Aquino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page