2 motorsiklo nagkabanggaan, 1 todas
@Balitang Probinsiya | November 18, 2022
AKLAN—Patay ang isang rider, habang isang rider din ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Banay-Banay, Malinao.
Ang nasawi ay si Victorino Ibutnande, 38-anyos, at ang sugatan naman ay si Cris Villaresto, 25-anyos, kapwa residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Ibutnande.



Comments