top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 miyembro ng salisi gang nasakote

BULGAR
Jan 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 10, 2023


ALBAY—Dalawang miyembro ng “Salisi Gang” ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. 1, Malilipot.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang dalawang lalaking suspek habang iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nakita ng mga kawani ng RTW shop na pasalising ninakaw ng mga suspek ang mga panindang folding umbrella ng naturang establisimyento.


Dahil dito, ini-report ng mga kawani sa pulisya ang pagnanakaw ng mga suspek at sa mabilis na responde ng mga operatiba ay nadakip ang dalawang miyembro ng “Salisi Gang”.


Nabatid na inihahanda na ng pulisya ang kasong qualified theft laban sa dalawang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page