2 miyembro ng private army, sumuko
@Balitang Probinsiya | May 2, 2021
MAGUINDANAO—Dalawang miyembro ng private army ng pulitiko ang sumuko sa tanggapan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Damalasak, Pagalungan.
Ang mga sumuko ay sina Faisal Mamasalubod at Norodin Sulayman, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na isinurender din sa pulisya nina Mamasalubod at Sulayman ang mga dala nilang malalakas na kalibre ng baril.
Ayon sa kina Mamasalubod at Sulayman, nagpasya silang sumuko sa mga awtoridad dahil ayaw na nilang gamitin sila ng mga pulitiko para gumawa ng karahasan sa nalalapit na eleksiyon.
Nanawagan ang pulisya sa iba pang miyembro ng mga private army sa lalawigan na sumuko na rin sa mga awtoridad.



Comments