2 miyembro ng NPA sumurender
@Balitang Probinsiya | December 12, 2022
PAMPANGA—Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa San Fernando City.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang sumukong opisyal ng komunista na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng dalawang miyembro ng NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa dalawang sumukong miyembro ng NPA, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang dalawang sumukong komunista.



Comments