top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 miyembro ng NPA sumurender

BULGAR
Oct 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 21, 2022


PALAWAN—Dalawang babaeng miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Puerto Princesa City.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na nag-o-operate sa lalawigan.


Ayon sa ulat, isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang dalawang babaeng sumukong komunista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page