2 miyembro ng NPA sumuko
@Balitang Probinsiya | November 21, 2022
ZAMBOANGA DEL SUR—Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Dumingag.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na kapwa miyembro ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga dalawang NPA ang mga dala nilang armas at subersibong dokumento.
Ayon sa ulat, kaya sumuko ang dalawang NPA ay dahil nahihirapan na umano ang mga ito na mamuhay sa bundok.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang dalawang sumukong komunista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments