top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 miyembro ng ‘Bolt Cutter Gang’, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 26, 2023


CAVITE -- Dalawang miyembro ng "Bolt Cutter Gang" ang naaresto nang maaktuhan ng mga awtoridad na nagsasagawa ng pagnanakaw sa isang tindahan kamakalawa sa Bgy. Amuyong, Alfonso sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Benjie Baldoza, 32 at Arlie Villanueva, 30, kapwa nakatira sa Bacoor City sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya ang dalawang suspek habang nagnanakaw sa isang tindahan.


Napag-alaman na nakapasok sa loob ng tindahan ang mga suspek sa pamamagitan ng pagsira nila sa kandado ng tindahan.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page