top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 magsasakang tulak timbog sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 29, 2023



MOUNTAIN PROVINCE—Dalawang magsasakang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Central Guinzadan, Bauko sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang suspek habang iniimbestigahan sila ng mga operatiba.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page