2 lineman, kritikal
@Balitang Probinsiya | December 14, 2021
CAPIZ—Dalawang lineman ang nasa kritikal na kalagayan nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Bato, Panay.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Roger Oliveros at isang nagngangalang “Toto”, kapwa nasa hustong gulang, at parehong lineman ng telecommunication company sa lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nagkakabit ng cable sa internet ang dalawang biktima sa poste ay napahawak ang mga ito sa live wire.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga residente ang dalawang lineman sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa sila sa pagamutan.



Comments