Search
  • BULGAR

2 lasing nagsaksakan, 1 patay

@Balitang Probinsiya | December 22, 2020



QUEZON—Isa ang patay at isa ang sugatan nang magsaksakan ang dalawang lasing kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City.


Nakilala ang namatay na si Michael Torres, samantalang ang sugatan ay si Raniel Ambal, kapwa residente sa nabanggit na barangay.


Sa imbestigasyon, kapwa lasing umano sina Torres at Ambal nang magkaroon ng pagtatalo sa tindahan na humantong para maglabas ng patalim at magsaksakan ang dalawa.


Nabatid na kapwa nagtamo ng mga tama ng saksak sa katatawan sina Torres at Ambal.


Kaagad dinala ng mga residente ang dalawa sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Torres, samantalang nasa malubhang kalagayan pa si Ambal.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.