2 laborer, dedbol sa balon
@Balitang Probinsiya | July 15, 2023
KALINGA -- Dalawang laborer ang namatay nang kapusin ng hininga sa loob ng isang balon kamakalawa sa Bgy. Tuliao, Tabuk City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina George Suyu at Ronnie Alam, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente ng Pinukpok sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, unang bumaba si Suyu sa balon para sa gagawin nilang deep well, pero hindi na ito nakaahon kaya bumaba rin si Alam para saklolohan ito, subalit maging siya ay hindi na rin nakaahon.
Mabilis na humingi ng saklolo sa rescue team ang mga katrabaho nina Suyu at Alam kaya naiahon sa balon ang dalawang biktima.
Agad dinala ng rescue team ang dalawang biktima sa pagamutan, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.



Comments